Nagsimula nang ibaba ng P2 ang presyo ng commercial rice sa mga pamilihan.

Ayon sa Alliance of Filipino Farmers and Rice Retailers Associations (AFFRA), bukod dito inaasahan pa rin ang panibagong P2 bawas-presyo sa bigas ngayong Oktubre.

Sabi ni Danilo Boy Garcia, pangulo ng AFFRA, layon nilang ibalik sa P38 kada kilo ang presyo ng commercial rice bago matapos ang buwan na sabay din sa pagpasok ng anihan.

Sa kasunduan ng AFFRA kasama si Food and Security Adviser Francis “Kiko” Pangilinan at ng bagong pamunuan ng National Food Authority (NFA) sa ilalim ni Atty. Efren Sabong, bababa ang presyo ng commercial ngayon.

Probinsya

Mag-asawang sakay ng motorsiklo, patay sa ambush; anak himalang nakaligtas

Pumalo sa P42 hanggang P44 ang kada kilo ng bigas noong nakalipas na lean season.

Nakikipagpulong pa ang AFFRA sa NFA para sa karagdagang P2 tapyas sa presyo ng bigas ngayong Oktubre.

Nabatid na malaking tulong sa pagpapabagsak sa presyo ng commercial rice ang inaasahang pagdating ng 500 metriko toneladang NFA rice na mabibili sa P27 hanggang P32 kada kilo.