Ni BEN R. ROSARIO

Nagbabala ang iba’t ibang grupo ng oposisyon sa majority bloc ng Kongreso laban sa apurahang pag-apruba sa ikatlong pagbasa sa panukalang 2015 General Appropriations Act na may probisyon ng pagbabago sa kahulugan ng savings sa mga paggastos ng gobyerno.

Prioridad sa agenda ng Mababang Kapulungan sa pagpapatuloy ngayong Lunes ng regular plenary session ang panukala sa P2.6 trilyon national budget.

Nanawagan ang dalawang minority bloc sa liderato ng Kongreso na alisin ang panukalang probisyon sa P2.6 trilyon na nagbabago sa kahulugan ng “savings” at magpapahintulot sa gobyerno na makalusot sa anumang legal na pagbabawal sa paggamit ng budget sa ibang proyekto ng pamahalaan.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Sinabi ni Abakada Party-list Rep. Jonathan dela Cruz, ng minorya, na dapat na asahan ng gobyerno ang paghahain ng petisyon sa Korte Suprema para maideklarang labag sa batas ang nasabing probisyon.

Sa kabilang banda, nagbabala ang Makabayan bloc sa administrasyong Aquino na magkakaroon ng malawakang kilos-protesta kapag ginamit nito ang mga kaalyado

sa Kongreso upang mailusot ang nasabing probisyon.

Isinulong ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapasok ng nasabing probisyon makaraang ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP) na nagbigay sa administrasyong Aquino ng kuwestiyonableng kapangyarihan upang i-re-allocate ang tinukot nitong “savings.”

Sinabi naman ng dating national treasurer na si Leonor Magtolis Briones na ang panukalang Special Provisions sa GAA na nagpapanukala ng bagong kahulugan sa “savings” ang “most dangerous” na bahagi ng panukalang budget.

“The Special Provisions in the General Appropriaiton Act contain a redefinition of “savings” which will make it possible for the President to declare savings at any time of the year,” ani Briones.