Kalaboso ang inabot ng isang Koreano makaraang ireklamo ng pamunuan ng tinuluyang hotel dahil sa hindi pagbabayad nito ng bill sa lungsod ng Pasay.

Kinilala ni Pasay City Police chief Sr. Supt. Melchor Reyes ang dayuhang si Jea In Lee, 55, na nahaharap ngayon sa kasong estafa.

Sa reklamo sa pulisya ni Rommel Abular, manager ng Atrium Hotel sa Sen. Gil Puyat Avenue, nag-check in si Lee sa Unit 2014 ng naturang hotel noong Setyembre 29.

At noong Oktubre 17 ng gabi nagpasya ang Koreano na mag-check out subalit nang sisingilin ito ng pamunuan, ay wala siyang maibayad sa nakunsumong bill na nagkakahalaga ng P67,608 dahilan upang humingi ng tulong si Abular sa awtoridad.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Agad namang inaresto ng mga tauhan ng Pasay Police ang nasabing Koreano.

Nabatid na ipinaabot na rin ng awtoridad sa Embahada ng Korea ang kaso ng kanilang kababayan.