Dumagsa kahapon ang may 40,000 estudyanteng sumasayaw sa pangunahing kalsada sa Quezon City sa patuloy na pagdiriwang ng Lungsod ng kanilang 75th Founding Anniversary.

Tinaguriang “Indakan ng mga Estudyante sa QC,” nagmartsa ang mga estudyante ng mga pampublikong high school mula sa Araneta Ave., patungo sa Amoranto Sports Complex, at dito nila ipinamalas ang kanilang galing sa pag–indak, simula 6:00 ng umaga.

Ayon kay Secretary to the Mayor, Tadeo Palma, isasali sa Guinness World Record ang “Indakan ng mga Estudyante” o street dance bukod sa pagtangka ng Zumba dance record sa Quezon Memorial Circle.

“The student’s street dancing on Sunday is also a good event that we could try for the Guinness World Record, where our city may be known,” ani Palma.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang ibang nakapilang pagdiriwang para sa QC Diamond Jubilee ay ang Novaliches Got Talent (Oktubre 24); Children’s Bridge to the Future: Books and Libraries (Oktubre 27-30); International Film Festival (Nobyembre 5-11); Quezon City International Night Marathon (Nobyembre 29); Lights and Sounds Show (Nobyembre 29); International Pink Film Festival Disyembre 9-15); at QC LGBT Grand Pride March (Disyembre 13).