Mga laro ngayon (Mall of Asia Arena):

1:30 p.m. -- San Beda vs. Mapua (jrs)

4 p.m. -- San Beda vs. Arellano (srs)

Kakaibang tunggalian ng dalawang pinakamagaling na dayuhang manlalaro ng liga ang nakatakdang matunghayan ngayong hapon sa pagsisimula ng finals duel ng 5-peat seeking San Beda College at ng Arellano University sa NCAA Season 90 men’s basketball tournament finals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Inaasahang matinding bakbakan ang mamagitan kina Red Lions Nigerian center Ola Adeogun at sa kanyang kaibigang si Chiefs American center at league Rookie of the Year na si Dioncee Holts.

Ang tapatan ng dalawa ang inaasahang magiging tampok na atraksiyon sa duwelo ng dalawang koponan ngayong ika-4 ng hapon matapos ang Gmae One ng finals ng juniors division sa pagitan ng defending champion San Beda Red Cubs at ng nagbabalik sa finals na Mapua Red Robins na magsisimula ganap na ala-1:30 ng hapon.

“It will be very exciting,” pahayag ng 6-foot-9 na si Adeogun.

“Yeah, it’s going to be a great show,” ang may halong birong wika naman ng 6-foot-7 na si Holts.

Ngunit maliban sa dalawa, matutunghayan din kung paano ang laban na ipapakita ng San Beda upang makamit ang asam na ikalimang sunod na kampeonato na magsisilbing final send-off kay Boyet Fernandez na nakatakdang umakyat na ng PBA bilang head coach ng NLEX.

Para naman sa panig ng Chiefs, gagawin nito ang lahat upang makamit ang pinakaasam na kauna-unahang championship title magmula nang lumahok sila sa liga noong 2009.

“Talagang lalaban kami, kahit anong mangyari. Dehado kami siyempre, sa experience pa lang pero siguro ‘yung eargerness, ‘yung paghahangad at determinasyon andu’n,” pahayag ni Chiefs coach Jerry Codinera na magtatangkang masungkit ang titulo sa kanyang unang taon sa NCAA.

Bukod naman kay Fernandez, siguradong magkukumahog din na mabigyan ng kampeonato ng Red Lions ang kanilang mga PBA bound cagers na sina Kyle Pascual at ang kambal na sina David at Anthony Semerad.

“I just wanted to win another championship for San Beda before I leave,” pahayag ng 23-anyos na si Anthony Semerad na nakatakdang lumaro para sa Globalport.

Bukod kina Adeogun, Semerad twins at Kyle Pascual, ang iba pang aasahan ni Fernandez upang pamunuan ang kanilang kampanya para maging ikalawang koponan kasunod ng San Sebastian College na makapagtala ng 5-peat sina Baser Amer, Ryusei Koga, Art de la Cruz, rookie Ranbill Tongco at ang reliable 6th man na si Jaypee Mendoza.

Sa panig naman ng Chiefs, maliban kay Holts ay aasahan ni Codinera upang mamuno sa kanilang pagpuntirya ng unang titulo sa liga sina Mythical team member Jiovanni Jalaon, PBA bound Nard Pinto at Prince Caperal, Keith Agovida, Levi Hernandez, Ralph Salcedo at Allen Enriquez.