DAHIL kaya sa pagkakapaslang kay Jeffrey Laude alyas Jennifer, mabago kaya ang mga probisyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at ng US? Maging hadlang din kaya ang kasong ito na kinasangkutan ni US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton upang mag-isip ang Supreme Court kung ang Enhanced Defense Cooperation Agreement ay constitutional o hindi?

Naniniwala ang kaibigan kong columnist na si Federico “Dick” Pascual Jr. na ang 16-taong VFA ay hindi isang treaty dahil hindi ito niratipika ng US Senate. Ang sabi ni Dick makabubuti sa Pinas ang US forces na nakaestasyon sa RP bases subalit sa ilalim ng tratado na ratipikado ng mga Senado ng US at ng Pilipinas alinsunod sa itinatakda ng Constitution.

Agrabyado raw ang bansa sa VFA dahil inilalagay agad ng US sa custody nito ang sino mang kawal o tauhan nito na nagkasala at hindi sa kustodiya ng Pilipinas, tulad ng nangyari noon kay Lance Corporal Daniel Smith na akusado ng rape kay alyas Nicole, at ngayon ay nangyayari sa kaso ni Pemberton. Dapat ay nasa custody ng bansa ang nagkasalang Kano. Ipaubaya na lang daw kay Sen. Miriam Defensor-Santiago ang paggawa ng bilateral contracts tungkol sa US forces na nag-ooperate sa mga base sa Pilipinas dahil “Miriam talks more sense than the government”.

May katwiran ang mga doktor na kabilang sa Philippine Medical Association (PMA) na kontrahin ang pagpapadala ng Filipino health workers sa West Africa na binabayo ngayon ng Ebola virus na kumitil na ng mahigit sa 4,000 katao. Sa pahayag nina PMA president Minerva Calimag at Dr. Antonio Leachon ng Philippine College of Physicians (PCP), hindi matalinong desisyon na magpadala ng mga health worker dahil malalagay sa panganib ang kalusugan ng may 100 milyon Pinoy kapag bumalik ang health workers sa bansa na baka kontaminado ng Ebola.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Pandesal Boy ng Caloocan City na biktima ng holdap kamakailan, ay bibigyan ang kanyang pamilya ng P10,000 ng DSWD para makatulong. Mahalaga ito para sa bata. Makikintal sa kanyang isipan na hindi siya pinabayaan ng ating pamahalaan.