CABANATUAN CITY - Aangkat ng limang milyong kilo ng manok ang pribadong sektor sa huling bahagi ng taon para maiwasan ang posibleng kakapusan ng supply nito sa bansa, lalo na sa Pasko.

Ayon kay Atty. Elias Inciong, pangulo ng United Broiler Association (UBRA), wala silang pagtutol sa pag-aangkat ng manok dahil pagbubuwisin naman ang mga importer sa alinsunod sa Special Safeguard Schemes (SSS) na may kaakibat na 40 porsiyentong buwis.

Aniya, sapat naman ang produksiyon ng manukan sa bansa at ang aangkatin ay maaaring idagdag sa supply upang matiyak na magiging sapat ito sakaling tumaas ang demand sa manok habang papalapit ang Pasko.

Inaasahang darating sa huling linggo ng Nobyembre at unang linggo ng Disyembre ang limang milyong kilo ng imported na leg quarter ng manok.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente