Tatlumpung piraso ng grenade launcher ang isinuko sa pulisya ng isang kasapi ng Sangguniang Bayan sa Burgos, Isabela, iniulat kahapon ng awtoridad.

Sinabi ni Chief Insp. Rolando Gatan, hepe ng Burgos Police Station, isinuko ni Sangguniang Bayan member Hector Anagaran, vice chairman ng Municipal Peace and Order Council, ang 30 grenade launcher sa isang simpleng seremonya.

Inimbita ni Anagaran si Gatan na magkape sa tanggapan nito at dito isinuko ang 30 granade launcher.

Ayon kay Anagaran, ang mga M-79 at M-203 grenade launcher ay nasa pangangalaga nito noong siya ay aktibo pa sa serbisyo ng binuwag na Philippine Constabulary.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipinahayag naman ni Gatan ang mga bala at gagamitin nila dahil wala pang kalawang ang mga ito.

Ang pagsuko ni Anagaran ng mga bala ng grenade launcher ay tugon sa pinaigting na kampanya ng Burgos Police Station laban sa mga hindi lisensiyadong armas.