Ang World Mission Sunday ngayong Oktubre 19 ay isang “important day in the life of the Church because it teaches how to give, as an offering made to God, in the Eucharistic celebration and for the missions of the world,” ayon kay St. John Paul II. Nilikha ito ni Pope Pius XI noong 1926 bilang isang araw ng panalangin at pagpapalaganap ng mga misyon.
Ang World Mission Sunday, na inoorganisa taun-taon ng Society for the Propagation of the Faith, na isang pontifical mission na itinatag ng the Vatican, ay inilalaan taun-taon sa pangatlong Linggo ng Oktubre para sa lahat ng Simbahang Katoliko sa buong mundo na italaga ang sarili nito sa pagmimisyon, sa pamamagitan ng panalangin, pagsasakripisyo, at pagbibigay ng ayudang pinansiyal na inilarawan bilang “central fund for solidarity”. Idinaraos ito sa bawat bansa, kabilang ang Pilipinas, kung saan tumutulong ang mga Katoliko na magtatag ng mas mainam na daigdig para sa mga mamamayan ng Diyos, isang daigdig kung saan maaaring mamuhay ang bawat isa na may dignidad at produktibo.
Pinagninilayan ng mga mananampalataya ang panawagan sa pagpapastol at pagpapalaganap ng ebanghelyo at inaanyayahan ang mga ito na mag-ambag nang malaki upang matulungan ang maralita at suportahan ang paglago ng mga bagong simbahan sa buong mundo. Sa Rome, idaraos ang World Mission Sunday sa pagtatapos ng Synod of Bishops on the “Pastoral Challenges to the Family in the Context of Evangelization”.
Ang dedikasyon ng mga Katolino ay agarang kinakailangan, sa gitna ng lumalagong mga misyon na nagreresulta mula sa pangangailangang ibangon ang mga lugar na na giniba ng digmaan o kalamidad, ang himukin ang kabataang lalaki na tumugon sa tawag ng pagpapari, lumikha ng mga bagong diocese na gabayan sa dumaraming kawan, at suportahan ang mga simbahan, ampunan, at mga paaralan.
Ang tema para sa 2014, “I Will Build My Church,” ay inspirado ng Mateo 16:18, na nagtatampok sa outreach ng mga lokal na simbahan sa pamamagitan ng mga pari, mga relihiyoso, katekista, at ng mga laiko na umaayuda sa maralita, magpunta sa mga komunidad at refugee center, ang tumugon sa pangangailangan ng mga pamilya at mga bata, sa 1,150 mission diocese at vicariate sa buong Asia, Africa, Latin America, Europe, at sa mga isla sa Pacific. Kaloob ng araw na ito sa mga Katoliko ang oportunidad na pag-isahin ang kanilang missionary sisters at brothers na nasa ibayong dagat, at ang ihatid ang kaligayahan ng Ebanghelyo sa lahat, maging sa mga tahanan, lugar ng trabaho, or sa mga lansangan.
Tinatawagan ang Simbahan na ihatid ang kaligayan ng Panginoon sa mga anak nito, paalala ni Pope Francis sa mga mananampalataya, habang hinihimok silang mamuhay na may pag-ibig kay Jesus at pagkalinga sa maralita. Tinatawagan ang lahat ng miyembro ng Simbahan na makilahok sa misyon, sapagkat ang Simbahan ay isang misyonero sa pinakanatural nito. Ito ay isinilang upang “humayo”, sabi ng Papa.