Nanawagan ang Malacañang sa publiko na suportahan ang Vigan City para kilalanin bilang isa sa New 7 Wonder Cities of the World matapos itong mapabilang sa top 14 finalists.

Hinikayat ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang mga Pinoy na suportahan ang Vigan, tulad ng ibinigay na suporta sa Underground River sa Puerto Princesa City, na iprinoklama bilang isa sa New 7 Wonders of Nature noong 2012.

“Tulad nang ipinagkaloob nating suporta sa Puerto Princesa sa nakaraang kompetisyon, dapat suportahan din natin ang Vigan, ang isa sa pinakamagandang siyudad sa kompetisyon na New 7 Wonders of the World,” ayon kay Valte.

Ang mga mapipiling siyudad sa New 7 Wonder Cities ay ihahayag sa Disyembre 7, 2014.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kabilang sa mga finalist sa New 7 Wonder Cities ang London sa United Kingdom; Chicago, USA; Reykjavik, Iceland; Barcelona, Spain; Mexico City, Mexico; La Paz, Bolivia; Perth, Australia; Havana, Cuba; Quito, Ecuador; Durban, South Africa; Beirut, Lebanon; Doha, Qatar; at Kuala Lumpur, Malaysia.

Patok sa mga turista ang Vigan, ang kapitolyo ng Ilocos Sur, na ideneklarang World Heritage Site ng United Nations bilang isa sa natitirang Hispanic town sa bansa na matatagpuan ang mga luma at makasaysayang gusali at imprastruktura.