Lubos na pinasalamatan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Manuel “Mar” Roxas ang mga negosyador na naging dahilan sa pagpapalaya ng grupong Abu Sayyaf sa dalawang German kamakalawa ng gabi sa Patikul, Sulu.

"Binabati natin ang lahat ng tumulong at matiyagang nakiisa para sa ligtas na paglaya ng dalawang German nationals na dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf,” ayon kay Roxas. "Pinasasalamatan naman natin ang mga kagawad ng pulisya at militar, tumayong negosyador at lahat ng lokal na opisyal at pamahalaang lokal at bayan sa Mindanao na tumulong na maging posible ang ligtas na paglaya ng mag-asawang Aleman.”

Pinalaya ng Abu Sayyaf sina Vikter Stefan Okonek at Henrike Dieter dakong 8:45 noong Biyernes ng gabi matapos na dukutin noong Abril 2014 sa karagatang malapit sa Palawan at Sabah sa Malaysia.

"Ipinaparating din natin sa ating mga kababayan at maging sa mga bansang nakamasid sa Pamahalaang Pilipinas na nakatutok tayo sa problemang nililikha ng bandidong Abu Sayyaf at patuloy ang laban ng ating gobyerno kontra sa mga grupong terorista hanggang sa tuluyan na silang mapulbos," diin ni Roxas.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Samantala, nangako rin si Roxas na ipasisiyasat ang pahayag ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na hindi ipinatutupad ng pulisya ang kautusan ng mga korte.

“Paiimbestigahan natin ang pahayag ni CJ Sereno na hindi sinusunod ng lokal na pulisya ang mga court order lalo sa mga kasong sangkot ang mga mamamahayag,” dagdag ni Roxas. “Makikipagtulungan tayo sa Korte Suprema sa isyung ito.”