ILOILO CITY – Kailangan nang operahan ang dalawang taong gulang na lalaki na taga-Pandan, Antique na may fetus sa tiyan—at nananawagan ng tulong pinansiyal ang kanyang mga magulang.

Ayon kay Dr. Romelia Mendoza, isang pediatrician, ang patay na “fetus” ay pinaniniwalaang kakambal ng paslit at kinakailangang matanggal agad, dahil nagrereklamo ng pananakit ng tiyan ang bata.

Sinabi ni Mendoza, doktor ng bata, na ang pambihirang kondisyong medikal na ito ay tinatawag na “fetus in fetu.” Isa itong abnormal na paglaki ng fetus sa loob ng katawan ng isa pang tao.

Kasalukuyang nasa West Visayas State University Medical Center sa Iloilo City, ang bata at nakatakdang operahan bukas, Oktubre 20.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nananawagan naman sa publiko ng tulong pinansiyal ang mga magulang ng bata para may panggastos sa operasyon at pambili ng mga gamot nito. - Tara Yap