Umapela ang Sultanate of Sulu and North Borneo (SSNB) sa 57-miyembrong Organization of Islamic Cooperation (OIC) “to intervene and mediate” sa matagal na nitong gusot sa Malaysia kaugnay sa Sabah.

Sa pakikipagpulong kay Ambassador Sayed Kaseem El-Masry sa Makati noong Martes, binigyan ni SSNB Secretary General Abraham J. Idjirani ang OIC ng mga dokumento kaugnay sa historical ownership ng Sultanate sa pinagaagawang teritoryo, na dating tinatawag na North Borneo.

“We appealed to the OIC through Ambassador Sayed Kaseem El-Masry to intervene and mediate in the dispute between the Sultanate and the government of Malaysia,” sabi ni Idjirani sa Manila Bulletin noong Huwebes.

Ayon kay Idjirani, tiniyak ng Sultanate sa OIC na ang SSNB ngayon sa ilalim ni Sultan Esmail Kiram II ay isusulong ang pag-aangkin sa Sabah sa pamamagitan ng mapayapang solusyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang kanyang pakikipagpulong kay El-Masry, ang special envoy for peace in Southern Philippines ng OIC ay may basbas ni Kiram II at ng nakababatang kapatid nito na si Rajah Mudah Agbimuddin Kiram. - Edd K. Usman