Pinaigting ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan LM Purisima sa mga kampo ng pulisya sa lalawigan upang maalis ang pagdududa ng kanyang mga tauhan sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian na ipinupukol sa kanya.

“Huwag kayong magpaapekto sa mga intriga. Ipagpatuloy n’yo lang ang inyong tungkulin na magsilbi at magbigay proteksiyon sa mga mamamayan,” pahayag ni Purisima sa mga tauhan ng PNP sa Albay.

Dating inakusahan ng pag-iwas sa mata ng publiko noong kainitan ng kontrobersiya, pinangunahan ni Purisima ang kanyang mga tauhan sa pagbibigay ng seguridad at pagtutulong sa mga lokal na opisyal ng Albay sa pamamahagi ng relief goods sa libulibong pamilya na nagsilikas bunsod ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Maraming nakapansin sa madalas na pag-iikot ni Purisima sa mga lalawigan matapos itong magsalita hinggil sa umano’y kuwestiyunable nitong 4.3 ektaryang ari-arian sa Nueva Ecija at maanomalyang pagkukumpuni ng “White House,” ang opisyal na tahanan ng PNP chief sa loob ng Camp Crame.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kamakailan, nakatanggap din si Purisima ng manifesto of support mula sa mga opisyal at tauhan ng PNP na nakabase sa Cagayan Valley region.

Bumisita rin ang PNP chief sa Sulu kamakailan bago ito nagtungo sa Albay.

Nag-inspeksiyon din si Purisima sa CALABARZON regional police.

Pinawi naman ni Senior Supt. Wilber Mayor, tagapagsalita ng PNP, ang mga espekulasyon na nagsasagawa ito ng loyalty check sa kanyang mga tauhan. - Aaron Recuenco