LUCY-Torres-Gomez

NAGING usap-usapan at pinagtawanan lalo na sa social media ang pagpa-file ni Ormoc City Representative Lucy Torres-Gomez ng bill na No Blowing of Horn on Sundays.

Ipinagtanggol ni Richard Gomez ang asawa, at namali raw ang pagkaka-file ng bill na ‘yun.

“Ang gustong mangyari ni Lucy nu’n, there’s one day in a year na isi-celebrate natin na walang businang mangyayari, parang noise awareness campaign.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“‘Pag sumakay ka ng dyip, pakinggan mo ang paligid mo, ‘di ba puro busina ang maririnig mo, hindi natin nararamdaman, hindi natin napapansin ang tinatamaan ‘yung tenga natin. Tingnan ninyo pag-uwi ninyo, busina nang busina ang mga sasakyan, unnecessary noise.

“Sa opisina kasi may mga bills na pini-prepare, babasahin ‘yun at may iba-ibang versions, ang nangyari du’n, nai-submit ang ibang bill, nagkamali kaya nu’ng nakita naming mali, pinull-out kaagad namin ‘yun kasi mali, pero meron talagang tamang bill for that, may mga revisions, drafts, ang nasubmit ‘yung draft.

“Ang gusto ni Lucy doon, eh, awareness campaign na dapat huwag tayong magbubusina, na unnecessary noise is not good for sense of hearing,”

Nasa unang termino pa lang si Lucy at plano raw nitong tapusin ang tatlong termino kaya wala siyang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon.

“Sabi ko nga kay Lucy na kapag tinatanong siya kung kakandidato siya, ‘wag niyang sagutin kasi mahirap. Mas maganda sa Kongreso kasi walang pakialamanan kasi may kani-kanila silang probinsiya, hindi nagsasapawan, walang silipan at pansin n’yo, hindi naman nagbabangayan sa Kongreso, ‘di ba?

“Sa Senate lahat nakikialam, kaya ang gulu-gulo nila, hindi n’yo ba napansin, sila-sila nagkakagulo,” punto ng asawa ni Rep. Lucy.