Inihayag kamakalawa ng National Basketball Association (NBA) ang bagong multiyear broadcast partnership ng Pilipinas at Solar Entertainment Corporation at ABS-CBN Corporation. Isinagawa ang announcement sa ginanap na press conference ni Manila by NBA Asia Managing Director Scott Levy, Solar Entertainment Corporation President/ CEO Wilson Y. Tieng at ABS-CBN Narrowcast head March Ventosa, sinamahan din ni NBA Legend Darryl Dawkins.

Sa ilalim ng agreement, ang Solar, sa pamamagitan ng kanilang Basketball Television (BTV) at NBA Premium TV channels at ABS-CBN, sa pamamagitan din ng ABSCBN Sports & Action channels, ay magsisihimpapawid ng mahigit sa 30 NBA games kada linggo. Ipagpapatuloy din ng Solar at ABS-CBN ang pagpapapabas ng WNBA games at programming.

Umentra sa kanilang ika-14 taon bilang partner ng NBA, ipagpapatuloy ng Solar na makapagbigay ng ‘extensive exposure at promotion’ sa lahat ng local NBA events, kasama na ang NBA 3X at Jr. NBA/Jr. WNBA. Ipinapalabas na ng ABS-CBN ang NBA games simula pa noong 2012 at sa pamamagitan ng bagong agreement na ito, magkakaroon ang fans ng oportunidad na makapanood ng mas maraming NBA games, programming, at local event coverage sa free-to-air channels ng ABS-CBN.

“We’ve come a long way from a simple idea in 2001 to bring the NBA to avid Filipino basketball fans,” saad ni Tieng. “Fourteen years later through this partnership with the NBA and ABS-CBN, we are bringing the games to the broadest possible fan base across the nation.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The NBA is the premier professional basketball league in the world, and we are pleased to bring the NBA closer to all our Kapamilya nationwide via non-stop NBA basketball action throughout the season, on both ABS-CBN and ABS-CBN Sports+Action channels,” paliwanag naman ni Ventosa. “We partner with only the best in class to bring top content from around the world, and we are proud to be the official free-to-air broadcast partner of the NBA in our basketball-loving country, the Philippines.”

“Solar is one of our longest-standing global partners, and togetherwith ABS-CBN we are offering the most comprehensive coverage of the NBA in the Philippines,” ayon naman kay Levy. “As part of this partnership, we will create new and unique content to bring the best NBA action to our passionate Filipino fans.”

Sundan ang NBA sa Facebook sa www.facebook.com/philsnba at Twitter sa www.twitter.com/nba_philippines para sa mga bagong pag-uulat at updates o bumisita sa NBA sa www.nba.com.