Michelle-Madrigal

ANG magandang kutis Pilipina ni Michelle Madrigal ang nakaakit sa director na si Edgardo “Boy” Vinarao para piliin ang actress na magbida sa pelikulang magpapabalik sa kanya sa muling paggawa ng pelikula.

Walong taon nang hindi gumagawa ng pelikula si Direk Boy, panahon pa iyon na buhay pa sina Fernando Poe Jr. at Rudy Fernandez, dalawa sa paboritong katrabaho niya.

Ikinatuwa ni Michelle na siya ang napili ni Direk Boy at ito na ang nagsilbing first starring role niya sa ten years na niya sa showbiz. Nagsimula si Michelle bilang isa sa finalists ng Star Quest ng ABS-CBN noon,

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Nang lumipat po ako sa GMA Network, nabigyan nila ako ng maraming drama series, madalas po kontrabida ako, pero thankful ako dahil markado naman ang role ko bilang kontrabida,” kuwento ni Michelle sa presscon ng Bacao. “Kaya ikinagulat ko nang tawagan ako ni Direk Boy at tinanong kung gusto ko raw gumawa ng movie. Nakita pala niya ang FHM issue na ako ang cover at sabi niya, bagay sa akin ang role na gagampanan ko. Ikinuwento niya sa akin ang story pero ipinauna na niyang medyo sexy ang role ko, hindi raw siya nagmamadali, basahin ko muna ang script at saka ako sumagot kung tinatanggap ko.

“Tamang-tama naman, wala akong ginagawa dahil hindi na na-renew ang contract ko sa GMA Network at nag-aaral ako ngayon ng Culinary Arts sa Cafe Ysabel at three times a week lang ang classes ko, kaya may libre akong time para mag-shooting. Over dinner, tinanggap ko ang offer ni Direk Boy at ng producers ng Oro de Siete Productions, Inc. Ipinaliwanag din niya na may rape scene ako, pero kukunan niya iyon in an artistic way para hindi lumabas na garapal.”

May pinagpaalaman ba siya tungkol sa role na gagawin niya?

“Wala, sarili ko pong desisyon iyon. Gusto ko rin namang ipakita ang kakayahan ko bilang isang actress. At siguradong ipapapanood ko ito sa daddy ko, baka himatayin kapag napanood niya ito, pero tatakpan ko ang mga mata niya kapag iyon na ang eksena. Sasabihan ko siya ng ‘Daddy, 26 na ako, ‘no!” Ang “bacao” ay katumbas ng salitang mais sa Isabela. Sa kuwento, masayang namumuhay sa pagtatanim ng mais ang magasawang Mayet (Michelle) at Abel (Arnold Reyes) pero anim na taon na silang nagsasama na hindi mabiyayaan ng anak. Sinunod nila ang payo na magpatingin si Mayet sa isang arbularyo, na ginampanan ni Leo Martinez na nang-rape sa kanya.

Sa pagpapagamot ni Mayet, maraming bawal, kasama na ang sampung araw na hindi sila puwedeng magsiping ng asawang si Abel. Ano ang mangyayari, makatitiis kaya sina Mayet at Abel? Ano ang consequences kung hindi sila makasunod sa ipinagbabawal?

Ang suspense thriller mainstream movie ay isa sa mga kasali sa Sining Pambansa Horror Film Festival plus na magsisimula sa October 29 to November 4. Mapapanood ito sa two theaters sa lahat ng SM cinemas nationwide. Magkakaroon ng premiere showing ang Bacao sa Lunes, October 20 sa SM Megamall na dadaluhan ni Direk Boy Vinarao at buong cast ng movie.