Pinaalalahanan ng Malacañang ang pamilya ni Jeffrey Laude - ang pinaslang na transgender - na may prosesong sinusuod ang awtoridad bunsod ng banta nito na sila mismo ang maghahatid ng murder complaint laban sa suspek na si Pfc. Joseph Scott Pemberton ng US Marines na nasa kustodiya pa rin ng USS Peleliu na nakaangkla sa Subic Bay Freeport.

Tiniyak ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na determinado ang gobyerno na makamit ang hustisya para sa pamilya ni Laude, na kilala rin bilang “Jennifer,” matapos itong patayin umano ni Pemberton sa isang hotel sa Olongapo City nitong nakaraang linggo.

“The Philippine government is intent on getting justice for Jennifer,” pahayag ni Valte.

Isinilbi n ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang subpoena sa US Embassy sa Manila hinggil sa pagdinig sa kaso sa Oktubre 21.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

“Unfortunately, there is process that we have to follow in terms of dealing with criminal complaints relating to US servicemen here under joint exercises,” paliwanag ni Valte.

Samantala, iginiit din ng opisyal na dapat magkahiwalay ang pagtrato sa Laude murder case at RP-US Visiting Forces Agreement (VFA) bunsod ng panawagan na ito ay repasuhin o tuluyang ipawalang bisa matapos ang insidente.

“Maraming considerations when you talk about the review of a particular agreement that we have on another sovereign country,” pahayag ni Valte.