Gagawin ng Palasyo ang lahat ng paraan upang matiyak ang kaligtasan ni Pope Francis sa kanyang apat na araw na pagbisita sa bansa sa Enero 2015.

Ito ang inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte kasunod ng banta ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na determinado itong paslangin ang Santo Papa pagdating niya sa Pilipinas sa susunod na taon.

“All circumstances are being considered when it comes to preparations for the visit of His Holiness. Contingencies are also being prepared. Unfortunately, we cannot speak about the security preparations in detail,” ani Valte.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho