ISANG transgender na Pilipino ang naging malagim ang kamatayan matapos na siya’y paslangin umano ng isang marinong Amerikano sa loob ng Celzone Lodge sa Olongapo City noong Oktubre 11. Ang hubad na si Jeffrey Laude, alyas Jennifer, 26, ay natagpuan na nakasalugmok sa inidoro ng nasabing hotel. Ang suspect, ayon sa US Naval Crimial Investigatiove Service (NCIS) at ng Olongapo City Police ay si Private First Class Joseph Scott Pemberton, ng US Marine Corps 2nd Battalion 9th Marine. Si Pemberton ay isa sa 4000 marinong Kano na lumahok sa katatapos na PH-US Amphibious Landing Exercise 2015.

Matindi ang galit at dalamhati ng mga magulang, kapatid at kamag-anak ni Jeffrey Laude. Sumisigaw sila ng katarungan; hindi paareglo sa kaso. Kinondena naman ng militanteng grupo ang ginawa ng marinong Kano. Nagkilos-protesta ang may 40 miyembro sa harap ng US Embassy sa Maynila. Isinigaw na palayasin na ang US troops sa Pilipinas. Nagwagayway ng mga pulang bandila at winakaan ang rally sa pagsunog sa bandera ng Amerika. Dalawa sa lider ng mga nagkilosprotesta ang lumuluhang hiniling sa US Embassy na si Joseph Pemberton ay ilipat sa custody ng gobyerno ng Pilipinas at ikulong sa lokal na bilangguan.

Ayon naman sa Malacañang sa pamamagitan ni Communication Secretary Sonny Coloma, nais nila ang katarungan para kay Laude at ang pamahalaan ay tintitiyak ang pangangalaga sa mga karapatan ng mga Pilipino. Mahalaga sa gobyerno na malutas ang krimen at makamit ang katarungan ng pinaslang na mamamayang Pilipino. Sa pahayag naman ni AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang na nakalulungkot ang ginawang pagpaslang kay Jeffrey at tiniyak na susuporhan nila ang gagawing imbestigasyon.

Maganda ang mga pahayag, reaksiyon at ang layunin na mabigyan ng katarungan ang biktimang si Jeffrey. Ngunit naniniwala ang inyong kolumnista na hanggang hindi binabago ang probisyon ng Visiting Forces Agreement (VFA), magpapatuloy na dehado lagi ang mga Pilipino. Nililitis ang kaso ngunit wala naman sa Pilipinas ang suspek at nasa America. Mahatulan man ay hindi maitulak sa kulungan dito sa ating bansa kundi nasa custody pa rin ng mga Kano. Mamulat na sana ang mga lider ng bansa na simula at sapul pa ay manggugulang na at ginagago tayo ng mga tusong Kano sa mga nilalagdaang kasunduan ng Pilipnas at Amerika. Matuto na sana sila sa kasaysayan.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente