KUNTENTO na si Jomari Yllana sa nakuhang puwesto sa kanyang unang race sa Round 7 Super Race sa 2014 Super Race ECSTA729 Accent One Championship na ginanap sa Korea International Circuit sa South Korea nitong nakaraang Linggo.
Isang araw lang bago ang scheduled race nakapag-practice sa nasabing race circuit si Jomari na muling binabalikan ang kanyang passion sa pagkarera.
Sa qualifying round para makasama sa mismong karera, pasok siya sa 7th position. At sa mismong karera ay tumuntong na sa ikaanim na puwesto. Masaya ang ex-husband ni Aiko Melendez na may naiuwi siyang karangalan para sa bansa.
“The reason why apart from mga paborito na nating basketall, football at billiards, gusto ko ring makita ang maraming kabataang ma-enjoy ang nasabing sports. Alam kong nasa dugo natin ito,” kuwento ng aktor ng The Half Sisters (gumaganap siya bilang real father to Barbie Forteza).
“At isa na tayo sa pinakamahuhusay kundi man magagaling na drivers. Oo iba ang karera but with discipline and determination ay masisimulan nating maituro sa bawat batang gustong gawin ito sa school na dream ko i-put up that I’m sure marami ang mage-emerge na champion sa mga ito,” patuloy niya.
Ito ba ang rason kung bakit isinantabi muna ni Jom ang paghahanap ng girlfriend?
“Ang mga kotse ko ang mga girlfriends ko. At natutuwa ako, interesado si Andre (anak niya kay Aiko) with my passion. Though dahil bagets pa marami talaga gusto gawin. Mag-artista. Mag-race. Kelan lang pagdi-DJ naman ang type. Sa akin basta magiging masaya siya sa gagawin niya, his Dada will always support him. Basta laging good and behaved siya,” pagtatapat ng aktor.
Nakatakdang bumalik sa Korea si Jomari sa November 2 para sa isa pang round ng nasabing torneo ng mga kotse.