Nagsampa ang Office of the Ombudsman ng kasong graft laban sa isang dating mayor ng Binidayan, Lanao del Sur sa umano’y maanomalyang pagbili ng heavy equipment na nagkakahalaga ng P20 milyon na hindi idinaan sa public bidding.

Kinasuhan ng paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act ay si dating Binidayan Mayor Aman Misbac Datumulok.

Itinalaga ng Office of the Special Prosecutor ng Ombudsman ang piyansa ni Datumulok sa P30,000.

Lumitaw sa record na noong 2008, bumili ang pamahalaang lokal ng heavy equipment mula sa EB Ople Trading na nagkakahalaga ng P20 milyon – isang Volvo dump truck, P11 milyon at isang Volvo wheel loader, P9 milyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Subalit iginiit ng mga state prosecutor na inabuso ni Datumulok ang kanyang posisyon dahil sa pagpabor sa isang supplier at pagbalewala sa proseso ng bidding.