Ni MINA NAVARRO

Nabisto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang bagong iligal na operasyon ng sindikato ng human smuggling na ginagawa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang mahuli ang isang Indian at isang tauhan ng Cebu Pacific Airlines.

Kinilala ang nahuling dayuhan na si Sevah Singh at ang tauhan ng Cebu Pacific Air na si Ronnie Ballesteros, na ngayon ay kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 46 ng Philippine Immigration Act of 1940.

Ayon kay Atty. Elaine Tan, tagapagsalita ng BI, tinangkang lumusot ang nasabing Indian sa NAIA Terminal 3 gamit ang pekeng Philippine passport at nagpanggap na empleyado ng paliparan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nakasuot pa ng airport ID at reflectorized vest na ginagamit ng air traffic controllers ang dayuhan nang masita ito ng mga tauhan ng BI na sina Arneliza Parungo at Jeathone Largo dahil sa kahina-hinalang kilos ilang oras matapos itong bumaba sa Cathay Pacific flight number CX912 mula sa Hong Kong.

Nang isailalim sa imbestigasyon ng Travel Control and Enforcement Unit ang dayuhan ay wala itong maipakitang arrival stamp maliban pa sa entry visa nito, na peke naman. Natuklasan sa imbestigasyon na ang dayuhan ay tinulungan ni Ballesteros na makapasok sa NAIA nang hindi dumadaan sa tamang proseso.

“When he was intercepted, immigration officers discovered that his Philippine visa was counterfeit, and he attempted to evade immigration inspection. What happened was illegal and is a serious breach of security,” paliwanag pa ni Tan.