Kapwa tumimbang sina WBA featherweight title holder Nonito Donaire Jr. at Nicholas Walters ng 125.6 pounds sa ginanap na weigh-in kahapon para sa 12-round bout ngayon sa StubHub Center in Carson, California.

Si Donaire (33-2, 21 knockouts) ng San Leandro, California ngunit mula sa Talibon, Bohol, Philippines, ay galing sa dalawang magkasunod na panalo matapos ang pagkatalo sa desisyon kay Guillermo Rigondeaux.

Nagmula naman si Walters (24-0, 20 KOs) ng Montego Bay, Jamaica sa kanyang pinaka-impresibong performance, ang fifth round knockout sa dating kalaban ni Donaire na si Vic Darchinyan.

Si Donaire, 31-anyos, ay nagwagi ng mga titulo sa limang dibisyon habang target naman ni Walters, 28-anyos, na mapagtagumpayan ang kanyang unang kikilalaning kampeonato.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Ang harapan ay ang chief supporting bout sa WBA middleweight championship fight sa pagitan nina Gennady Golovkin at Marco Antonio Rubio na ipalalabas sa United States ng HBO.