TARLAC CITY - Kabilang ang dalawang balikbayan sa apat na katao na duguang isinugod sa Jecsons Medical Center matapos bumangga ang sinasakyan nilang Toyota Revo sa isang nakaparadang Nissan Safari sa highway ng Barangay San Sebastian sa Tarlac City, Biyernes ng madaling araw.

Sa ulat kay Tarlac City Police acting Chief, Supt. Felix Verbo Jr., nasugatan sa insidente sina Presilo Arenas, driver ng Toyota Revo (AEF-981); Leonila Ramirez, 61; Donald Ramirez, 63, kapwa balikbayan mula sa Phoenix, Arizona, USA; at Gloria Arenas, 57,ng Bgy. Camalay, Binmaley, Pangasinan.

Ang nabanggang sasakyan (KXT-888) ay pag-aari ni Charies Go, 41, negosyante, ng nasabing lugar. Hindi pa mataya ang pinsala ng sasakyan ni Go.
Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon