LUXEMBOURG (AP)- Pinasadsad ni fourth-seeded Barbora Zahlavova Strycova ng Czech Republic si Swedish qualifier Johanna Larsson, 6-0, 6-2, upang umusad sa Luxembourg Open semifinals kahapon.
Bagamat nakapagtala ng masamang first-serve percentage, hinadlangan ni Zahlavova Strycova, ang highest seed na nalalabi sa draw, si Larsson ng anim na beses kung saan ay nabigo lamang siya ng apat na puntos sa kanyang unang serbisyo.
‘’I played very good tennis, very solid,’’ pagmamalaki ni Zahlavova Strycova. ‘’I didn’t make many mistakes. Everything was working.’’
Makakatagpo nito si Mona Barthel makaraang ‘di nasundan ni Kiki Bertens ng Netherlands ang kanyang panalo kay second-seeded German na si Alize Cornet, 6-3, 6-0. Humirit si Barthel ng pitong aces at naisalba ang anim sa kanyang pitong break points.
Dinispatsa naman ni dating runner-up Annika Beck ng Germany si Patricia Mayr-Achleitner ng Austria, 6-2, 6-2. Tumipa si Mayr-Achleitner ng apat na double-faults at nagwagi ng halos kalahati sa puntos sa kanyang unang serve.
Makakatagpo ng 60th-ranked na si Beck si Denisa Allertova, ang 145th-ranked Czech qualifier na naghabol rin bago tinalo si No. 5-seeded Varvara Lepchenko ng United States, 4-6, 6-3, 7-5, sa larong nagtapos sa loob ng 2 1/2 oras na kinapalooban rin ng 11 breaks.
‘’I started nervously,’’ pahayag ni Allertova. ‘’But I kept fighting, tried to stay focused, and started moving better.’’