CITY OF ILAGAN, Isabela– Sisimulan na ang konstruksiyon ng stadium na may modernong pasilidad na maituturing na world class para gamitin ng Ilagueños at mga kalapit na bayan.

Pinangunahan ni Mayor Josemarie L. Diaz at iba pang opisyales ng lungsod ang groundbreaking ng Paguirigan Stadium sa mismong compound ng Isabela National High School.

“Today marks the new milestone in the history of the City of Ilagan, amplifies our dream to be a sports capital of Cagayan Valley,” pahayag ni Diaz.

Aniya, ang konstruksiyon ng bagong sports complex ay magpapatunay ng tuluyang pag-angat ng lungsod at magsisilbi itong lugar para sa mga LGU na pag-ibayuhin ang mga programa sa sports.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Inaasahan na ang City of Ilagan ay magiging venue na rin ng maraming sports events sa lungsod, rehiyon at national sports events dahil ang pasilidad nito ay world-class stadium.

“In 2016, the city of Ilagan is being considered to be the venue of the Cagayan Valley Athletic Association (CAVRAA) meet and we must be prepared,” dagdag pa ni Diaz. - Liezle Basa Iñigo