BUENOS AIRES, Argentina (AP) — Inilunsad ng Argentina ang kanyang unang domestically built communications satellite noong Huwebes.

Ang ARSAT-1 ay ang unang satellite na binuo gamit ang lokal na teknolohiya sa Latin America. Itinayo ito ng crew ng halos 500 scientist sa loob ng pitong taon sa halagang $250 milyon. Ang satellite ay inilunsad mula sa base sa French Guiana at iikot 22,000 miles (36,000 kilometers) sa ibabaw ng Earth.

“ARSAT-1 is on its way to space. What a thrill,” tweet ni President Cristina Fernandez ilang sandali matapos ang paglulunsad.

Ang ARSAT-1 ay dinisenyo para magkaloob ng serbisyo sa digital television at cellphone sa Argentina, Chile, Paraguay at Uruguay sa susunod na 15 taon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente