Bagama’t umaangat ang ekonomiya ng Pilipinas, kailangang paspas ang kilos ng gobyerno sa paglilikha ng trabaho tungo sa pagbawas ng kahirapan.

Ito ang binigyan-diin ni National Economic and Development (NEDA) Director-general, Secretary Arsenio M. Balisacan, sa Philippine Economic Briefing sa Japan.

Binanggit ni Balisacan na nailista sa 6.0 porsyento ang gross domestic product sa unang bahagi ng taon at inaasahang aangat ito sa 6.5 hanggang 7.5 porsyento sa pagtatapos ng taon.

Ipinabatid ng kalihim na natapyasan ng tatlong porsyento ang poverty incidence sa bansa ngayong taon sa 24.9 porsyento kumpara sa 27.9 porsyento noong nakaraang taon habang ang unemployment ay bumaba sa 6.7 porsyento noong Hulyo kumpara 7.3 porsyento sa nakalipas na taon.

National

FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'

“These gains are quite encouraging and implies that the inclusive growth strategies have been effective. However, given the urgency of the matter, we need to accelerate further these efforts in order to lift even more Filipinos out of poverty,” diin ni Balisacan.