Bitbit ang matinding alab at hangarin na pagsilbihan ang Pilipinas ang sekretong armas ngayon ng Philippine Under 17 sa pagsagupa nila sa powerhouse Korea sa ginaganap na 10th Asian Youth Girls Volleyball Championship sa MCC Hall Convention Center sa Nakhon, Ratchasima, Thailand.

Habang sinusulat ito ay kasagupa ng PH Under 17 ang pumangatlo noong nakaraang taon na Korea sa semifinals sa ganap na alas-7:00 ng gabi.

“For pride and honor of the country,” pahayag ni Philippine Volleyball Federation (PVF) president Geoffrey Karl Chan. “Our youth team promised to give their whole heart for the glory of our country and to gain honor and respect from their rivals, no matter what happens.”  

Binigo ng PH Girls Team ang New Zealand, 25-11, 21-25, 25-5, 25-14, para tumapos sa ikatlong puwesto sa Pool E kasunod ng Thailand at China.

National

FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'

Bagamat dehado sa laban ay nangako naman ang National U-17 girls volleyball team na ibibigay ang kanilang buong kakayahan sa pagbangga sa ilang beses na tinanghal sa torneo na South Korea.

Matira-matibay ang laro kung saan ang mananalo ang siyang papasok sa semifinals.

Ito ang ikaapat na pagkikita ng Pilipinas at Korea kung saan ay hindi pa nakakatikim ng kahit isang set na panalo ang girls team. 

Gayunman, umaasa si national coach Jerry Yee na ang bagay na ito ay puwedeng mabago lalo pa at determinado ang koponan na maipagpatuloy ang magandang ipinakikita sa liga.

Matatandaan na nagwagi ang koponan, na nabuo isang linggo lamang bago ang torneo, kontra sa Australia at India na itinala rin ang pinakamaraming panalo sa anim na pagsali sa liga.

Sakaling magwagi ang koponan sa South Korea sa quarterfinals ay makasisiguro sila ng isang silya sa U18 World Championship na gaganapin sa Cyprus sa susunod na taon upang iprisinta ang Asia.