DAVAO CITY – Ipinag-utos kamakailan ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ang imbestigasyon sa napaulat na pagkamatay ng dalawang sibilyan sa kasagsagan ng isang military operation sa Compostela Valley.

Inatasan ni EastMinCom commander Lt. General Aurelio Baladad ang 10th Infantry Division na masusing imbestigahan ang pagpatay, na mariing kinondena ng mga human rights group rito.

Sa email noong Oktubre 13 na ipinadala ni Roel Agustin II, tagapagsalita ng New People’s Army (NPA) sa ComVal-Davao East Coast Sub-regional Command, sa mga mamamahayag sa lungsod na ito, sinabi niyang napatay ang magsasakang si Rolando Dagansan, 43, at ang anak niyang nakilala lang bilang Juda, 15, ng mga tauhan ng 66th Infantry Battalion ng Philippine Army noong madaling araw ng Oktubre 12 sa Sitio Tubod sa Barangay Manurigao, New Bataan.

Pero sa hiwalay na pahayag ni 10th ID information officer Captain Ernest Carolina, sinabi niyang nagsasagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng 66th IB sa Sitio Taytayan, Bgy. Andap, para sa gagawing medical mission sa kalapit na Bgy. Manurigao nang mabulaga ang lead soldier sa tama ng flashlights at pagsigaw ng “Sundalo! Sundalo!”

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nangamba para sa sariling buhay, pinagbabaril ng lead soldier ang pinagmumulan ng liwanag na natuklasan ang mag-amang magsasaka na sina Lando Sabado Dagansan, 48; at Felix Dagansan, 16 anyos. - Alexander D. Lopez