“Hindi ako tumigil sa pagtaya sa lotto kahit na noong nagretiro na ako sa pagmamaneho ng taxi.”

Ito ang inamin sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng naka-jackpot ng P90.1 milyon sa Super Lotto 6/49 noong Oktubre 5.

Ito ang naikuwento ng masuwerteng taga-Quezon City kay PCSO acting Chairman Jose Ferdinand M. Rojas II nang kubrahin niya ang kanyang napanalunan.

Ayon sa lotto winner, simula noong 1995 ay wala siyang palya sa pagtaya sa lotto dahil naniniwala siyang “‘pag may tiyaga, may nilaga.”

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Inamin ng ama sa anim na bata na ginamit niya ang mga kaarawan ng mga miyembro ng kanyang pamilya sa isa sa tatlong kombinasyong tinayaan niya na ang isa ay nakatumbok sa 43-48-06-11-13-29 na jackpot combination.

Plano niyang bumili ng bahay, hati-hatiin ang pera sa kanyang mga anak, mag-donate sa charity at magsimula ng negosyo sa transportasyon. - Edd K. Usman