MAYOR-Joseph-Estrada

NALAMAN namin mula sa isang kaibigan namin na empleyado ng mayor’s office sa Manila City Hall na si Mayor Joseph Estrada na ang mamahala ng Cinemalaya Film Festival. 

Dati ay ang negosyanteng asawa ni Gretchen Barretto na si Mr. Tony Boy Cojuangco ang “man behind” sa unti-unting pagsikat ng indie movies. Pero sa katatapos na Cinemalaya X ay tumanggi na ito sa pagbibigay ng suporta kaya biglaan na ang Dept. of Budget and Management (DBM) na pinamunuan ni Sec. Butch Abad ang umako sa gastusin. Pero may mga sumilip sa inilabas na budget ng departamento kaya inayawan na rin ito ng DBM. 

Excited na ikinuwento ng source sa amin na mas magiging masaya ang susunod na Cinemalaya filmfest dahil ibubuhos daw ni Mayor Erap ang lahat ng suporta para sa taunang festival ng indie movies. 

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ito na raw marahil ang ipapalit ng alkalde  sa dating Manila Film Festival na malamang kagaya rin ng MMF ay ipapalabas ang mga mapipiling kalahok ng Cinemalaya sa mismong selebrasyon ng Araw ng Maynila tuwing Hunyo. 

Ayon pa sa source, mismong si Mayor Erap ang kumausap sa mga taga-CCP dahil nanghihinayang ang dating presidente sa Cinemalaya kung basta na lang ito matitigil. 

May sariling market na kasi ang naturang indie festival at dapat lang namang isalba ng siyudad ng Maynila.