Limampung saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng isang lalaking itinapon ng tatlong suspek sa kalsada sa Sta. Mesa, Manila nitong Biyernes ng madaling araw.

Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor Vallejo, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 3:12 ng madaling araw nang makita sa record ng CCTV ng Barangay 428, Zone 43, District 4, Sta. Mesa, Manila, ang pagdaan ng isang pampasaherong jeep na dahan-dahan ang takbo sa panulukan ng Kasama Street at Algreia Street sa Sta. Mesa.

Pagtapat sa bahay na may numerong 1966 at 1967 ay itinapon ng tatlong di pa kilalang lalaki mula sa loob ng jeep ang isang bagay na nakabalot sa asul na kurtina.
National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'