Ipinagdiriwang ngayon, Oktubre 18, ang kapistahan ni San Lucas Ebanghelista. Isa siya sa apat na ebanghelista na kinabibilangan nina San Mateo, San Marcos, at San Juan. Ang mga sinaunang kuwento na iniuugnay sa kanya ang pag-akda ng dalawang aklat sa Bagong Tipan – Ang Ebanghelyo ni San Lucas at ang Mga Gawa ng Apostol. Ang kanyang Ebanghelyo, na kilala rin bilang Gospel of Mercy and Forgiveness, ay sumasaklaw sa 30 taon ng pamumuhay ni Jesus sa mundo, ang aral tungkol sa pagmamalasakit ng Panginoon sa maralita at nagdurusa, habang ang Mga Gawa naman ay sumasaklaw sa 30 taon ng buhay ng Simbahan mula sa simula. Tanging sa Ebanghelyo ni San Lucas matatagpuan ang Anunsiyasyon, ang Magnificat ng Mahal na Birhen, ang talinghaga ng Alibughang Anak, at ang kuwento ng Mabuting Samaritano.

Si San Lucas ay Greek na isinilang sa Antioch, Ancient Syria. Sa kanyang kabataan, nag-aral siya ng Greek philosophy, medicine, at sining, at naging manggagamot. Nagtungo siya sa Jerusalem, at doon niya nakatagpo ang muling nabuhay na Kristo patungo sa Emmaus. Pagkatapos ng Pentecostes, nagbalik siya sa Antioch, nagtrabahong kasama ni San Pablo Apostol ng Tarsus sa pagmimisyon sa Macedonia at Rome. Tinawag siyang “beloved physician” ni San Pablo.

Matapos ang pagmamartir kay San Pablo, nilisan ni San Lucas ang Rome upang mangaral ng Ebanghelyo sa buong Italy, Dalmatia, Libya, Egypt, at iba pang rehiyon. Itinatag niya ang maraming lokal na simbahang komunidad, nag-ordina ng mga pari at mga deacon upang pagsilbihan ang kanilang pangangailangang espirituwal, at pinagaling ang mga may sakit. Sa kanyang katandaan, binisita niya ang Libya at Upper Egypt. Mula Egypt, nagbalik siya sa Greece at ipinagpatuloy ang kanyang pangangaral at nagpabalik-loob sa marami. Nagpinta siya ng mga icon nina San Pedro at San Pablo Apostol, kung kaya itinuring siyang founder ng Christian iconography. Sa pagiging unang Christian doctor, iginagalang siya ng Simbahang Katoliko bilang patron ng mga doktor.

Pinaniniwalaan na minartir si San Lucas sa taong 74 sa Thebes sa Beothia, Greece, sa edad na 84. Ayon sa kuwento, ang kanyang libingan ay matatagpuan sa Thebes, at ang kanyang mga relic ay inilipat noong taong 357 sa Constatinople kung saan inilibang sa ilalim ng altar ng Church of the Holy Apostles, kasama ang mga labi nina San Andres at San Timoteo Apostol.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Si San Lucas, ang tanging Gentile na sumulat ng mga aklat sa Biblia, ay nabanggit sa Liham kay Filemon, Berso 24, at sa Colosas 4:14 at 2 Timeoteo 4:11.