doh_presscon02_vicoy_171014-copy-550x395

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa ang Pilipinas sa banta ng Ebola virus.

Ayon kay Health spokesperson Dr. Lyndon Lee-Suy, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng banta ng isang nakamamatay na virus sa bansa. Inihalimbawa niya ang SARS, H1N1 bird flu, at MERS-CoV na lahat ay nalampasan ng bansa.

Araw-araw nang magsasagawa ng press briefing ang DOH kaugnay sa Ebola virus upang matiyak na hindi magkukulang sa tamang impormasyon ang publiko laban sa nasabing virus.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Tiniyak naman ni Lee-Suy na sakaling may dumating sa bansa na pinaghihinalaang nagtataglay ng Ebola ay magiging confidential ang pagkakakilanlan at tirahan ng pasyente. Magkakaroon sila ng communication strategy sa komunidad o mga kapitbahay nito para hindi magdulot ng panic.

Kaugnay nito, isasailalim ng DOH ang health workers sa mga specialized training program, upang maging bihasa sa pagtukoy at paglunas sa Ebola Virus Disease (EVD), gayundin sa pag-iingat na kumalat ang naturang sakit sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, ang training ay sisimulan sa Oktubre 28 at magiging linggu-linggo na ito.

“After the successful National Ebola Summit held last Friday (October 10), we want to primarily increase the capacity of our health workers nationwide in responding to EVD, like what we did when SARS and H1N1 threatened the country a few years ago,” pahayag pa ng Kalihim.

Idinisenyo at pamamahalaan ng DOH at ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas ang naturang training.

Sa pamamagitan ng training, mabibigyan ang mga medical worker ng mas malalim na pag-unawa sa EVD, sa transmission at epidemiology nito at mahahasa ang kahusayan ng mga kalahok tulad ng pag-iingat sa sarili, seguridad at kaligtasan.

“WHO Philippines is delighted to be working with the Department of Health to provide training on the detection and treatment of EVD and on how to prevent its spread here in the Philippines. The health workers trained will be essential for Philippine efforts to protect the country from the potential threat of the disease,” pahayag ni WHO Representative for the Philippines Dr. Julie Hall.

Available ang training sa tatlong grupo ng kalahok na mula sa -- 1.) lahat ng DOH-referral hospital, 2.) mga pribadong ospital at 3.) mga lokal na ospital ng pamahalaan.

Ang mga kalahok ay bubuuin ng mga infection control specialist, doktor, nurse, at medical technologist ng mga ospital.