ALIAGA, Nueva Ecija - Hindi pa rin natatapos ang lumalalang problema sa bayang ito na may dalawang alkalde sa magkaibang tanggapan—ang isa ay nasa munisipyo habang nag-oopisina naman sa kanyang bahay ang isa pa—dahil kamakailan ay kinasuhan ng isa sa kanila si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr.

Sa Korte Suprema dumulog si Aliaga Mayor Reynaldo Ordanes para sampahan ng disbarment complaint si Brillantes, iginiit na nilabag umano ng komisyuner ang lawyer’s oath nang maglabas ito ng 60-araw na temporary restraining order (TRO) nang hindi kinokonsulta ang mga miyembro ng Comelec 2nd Division.

Inilabas ni Brillantes ang TRO pabor kay Elizabeth Vargas, na katunggali ni Ordanes sa eleksiyon noong 2013 at isa pang alkalde sa Aliaga.

Sa canvassing noong Mayo 2013 ay nanalo si Vargas pero naghain ng petition for recount si Ordanes at natuklasang lamang siya ng 11 boto kay Vargas, na naghain naman ng notice of appeal at TRO at hiniling na mapawalang-bisa ang court order na pumapabor kay Ordanes.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente