Sa halip na subpoena, simpleng imbitasyon lang ang ipinadala ng Senate Blue Ribbon sub-committee kay Vice President Jejomar Binay para hikayatin ito na dumalo sa pagdinig ng Mataas na Kapulungan hinggil sa mga alegasyon ng katiwalian sa mga proyekto sa Makati City.

Ayon sa kampo ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, ito ay bilang respeto kay Binay at sa tanggapan ng bise presidente.

Anila, ito ay bunsod din ng ispekulasyon na sina Senator Antonio Trillanes IV at Senate Majority Leader Alan Peter S. Cayetano ay kapwa may balak ring tumakbo sa 2016 presidential race.

Dumalo man o hindi si VP Binay sa pagdinig, determinado ang sub-committee na pinamumunuan ni Pimentel na ituloy ang Senate hearing na posibleng abutin ng walong pagdinig bago tuluyang tapusin, tiniyak naman ni Trillanes.

National

FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'

Suportado ni Trillanes ang pananaw ni Sen. Miriam Defensor Santiago na may constitutional power ang Senado na magpalabas ng subpoena laban kay Binay.