GENEVA (AFP)— Ang mga kalamidad noong nakaraang taon ay pumatay ng mahigit 22,000 katao, at ang Bagyong Yolanda (international name: Haiyan) sa Pilipinas ang pinakamapinsala sa lahat, ayon sa Red Cross noong Huwebes.

Sa kanyang taunang ulat sa mga kalamidad, nagbabala ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC) ng mapanglaw na tinatanaw.

“Climate change is leading to damaged livelihoods and increased vulnerabilities. Natural hazards are also becoming more frequent and extreme,” sabi ni IFRC head Elhadj As Sy.

“The resulting stresses on social, physical and economic systems are shifting the world into a new era of risk,” dagdag niya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ang ‘Yolanda, ‘ tumama noong Nobyembre 2013, ay nagbagsak ng malalaki at mabibigat na storm surge sa lungsod ng Tacloban at mga nakapaligid na komunidad sa silangang probinsiya ng Leyte.

Halos 7,986 ang namatay, ayon sa IFRC.

Ang susunod na pinakamapinsalang kalamidad ay ang pagbaha sa India noong Hunyo 2013, na ikinamatay ng 6,054 katao.

Ang pangkalahatang bilang ng mga namatay sa natural na kalamidad noong nakaraang taon ay 22,452, sinabi ng IFRC.

Ito ay mas mababa sa 2004-2013 average na 97,954 kada taon.

Mas mababa rin ito sa peak year ng dekada noong 2004, nang 242,829 katao ang namatay, karamihan sa lindol at tsunami sa Indian Ocean.

Ang bilang ng mga taong naapektuhan ng mga kalamidad noong 2013 -- halos 100 milyon, pinakamarami sa Asia – ay pinakamababa rin sa loob ng isang dekada.

Ngunit sinabi ng lead editor ng report na si Terry Cannon na ang bilang ay bahagi lamang ng istorya.

“Major hazards and disasters are distributed randomly. So comparing year-on-year in a data set like this is not very useful,” aniya.

Ang hindi naipapakita ng mga bilang, gayunman, ay ang kakayahan ng isang bansa na tugunan ang mga kalamidad.

“The vast majority of people do not die or suffer in disasters. They suffer because of the problems of everyday life, whether it’s bad water, poor nutrition, or bad health,” ani Cannon.

“People don’t give priority to severe hazards. They will highlight their day-to-day problems, health, malaria, water supply, not enough food, not enough jobs,” dagdag niya.