BAGUIO CITY – Masusing pinag-aaralan ng pamahalaang lungsod ng Baguio, katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, kung paano makahahanap ng karagdagang supply ng tubig, makaraang makatanggap ang siyudad ng P11 milyon grant mula sa Asian Development Bank (ADB).

Nilagdaan kamakailan ni Mayor Mauricio Domogan ang kasunduan sa ADB para sa pagkakaloob ng huli ng $250,000 (P11 milyon) sa pamahalaang lungsod para sa karagdagang water source.

Ayon kay Domogan, bubuuin ang city water governance committee upang pag-aralan ang posibleng pagkuhanan ng bagong supply ng tubig.

Hindi ikinakaila ng Baguio Water District (BWD) na kulang ang supply ng tubig sa lungsod; nasa 60,000 cubic meters ang demand kada araw, pero 45,000 cubic meters lang ang naisa-supply sa siyudad. - Rizaldy Comanda

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!