Anne-and-Alexander-copy

TWO years ago, may isang kaibigan ni Anne Curtis na nagsabi sa kanya na may audition ng isang Hollywood movie rito sa Pilipinas, ang Blood Ransom. Kuwento ni Anne sa presscon ng movie sa Discovery Suites, nag-try siyang mag-audition, nag-script reading, at nagulat siya nang malaman niya na nakuha siya para sa role.

“Hindi nila ipinarating ito sa Viva Films kaya ako na ang nagsabi kay Boss Vic del Rosario na nakapasa ako sa audition,” sabi ni Anne. “Kinailangan ko ring magpaalam sa ABS-CBN dahil kailangan kong mawala muna sa It’s Showtime ng one month para mag-shooting sa Hollywood. They are very supportive naman at pinayagan nila ako.”

Kasama ni Anne sa presscon ang kanyang leading man na si Alexander Dreymon na pumunta rito mula sa Los Angeles, California, para mag-promote ng movie at um-attend ng premiere night sa October 28.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Mukha namang nag-eenjoy sa Pilipinas si Drey (ito ang gusto niyang itawag sa kanya). Sa katunayan, nagkuwento siya na ang breakfast, lunch at dinner niya ay balut at ang unang natutuhan niyang Tagalog words ay “kinikilig ako sa ‘yo.”

Samantala, natanong si Anne kung ano ang pagkakaiba ng pagtatrabaho sa Hollywood at dito sa atin.

“I had an enjoyable experience and it’s a different kind of world,” kuwento ni Anne. “Ibang-iba ang working hours nila. They’re very strict, hindi gaya rito sa atin na inaabot ng magdamag ang shooting.”

Sa movie, gumaganap si Anne bilang si Crystal, a mysterious girl na girlfriend ni Roman (Caleb Hunt). Kinidnap siya ni Jeremiah (Alexander) na nagtatrabaho kay Roman. Nagkaroon ng complications dahil dahan-dahan nang nagiging vampire si Crystal. Natuwa si Anne dahil never pa siyang nakaganap dito sa atin ng ganoong role at suspense-thriller pa.

“I enjoyed it so much as there’s no much room to play around. I hope to do more films like this and I hope it won’t be my last project in Hollywood.”

Hindi pa siya kumukuha ng agent niya sa US dahil gusto raw muna niyang malaman ang resulta ng movie after maipalabas dito sa atin starting October 29 at sabay na silang aalis ni Drey for Hollywood pagkatapos ng premiere night para siya naman ang mag-attend ng premiere night doon at sa opening ng movie on October 31, in time for Halloween.

Ikinuwento rin ng dalaga ang sexy kissing at love scenes na ginawa niya sa movie. Biniro siya ni Drey at napatili muna si Anne bago siya nagkuwento.

“Locally, ang sexiest love scene na nagawa ko ay sa No Other Woman. Pero mas grabe ‘yung love scenes ko sa movie with Alexander. At first, it was very awkward for me, kasi dito, we don’t do French kiss. So doon, we kiss but director Francis de la Torre, a Filipino-American director, wants it to be more passionate. Si Drey na ang nagsabi sa akin na gusto raw ng director namin to do a French kiss. So I did it with him, kasi normal lang ‘yun sa kanila, but dito we don’t do it. Kaya si Drey ang first guy na nakipag-French kiss ako on screen. Sexy talaga iyong love scene pero sabi ng director, it’s very tastefully done. Hindi pa ito napapanood ni Boss Vic kaya excited na rin akong mapanood ito at marinig ang comments ng mga manonood sa premiere night.”

Natanong naman si Drey kung puwede ba siyang ma-in love sa isang Pilipina. Wala pa raw siyang ibang babaeng nakikilala maliban kay Anne. Kung may offer daw na movie sa kanya na isu-shoot sa Pilipinas, willing siya to come back dahil sa ilang araw na narito siya sa Pilipinas ay nagustuhan na niya rito. Sa States daw, marami na rin siyang mga kaibigang Pilipino.

Produced by Tectonic Films, sa October 29 ang showing nito in theaters nationwide.