Pinagkalooban na ng permit ang lokal na pamahalaan ng Makati sa pamamagitan ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) para sa paglalagay ng supply ng kuryente sa Makati Homeville, isang 40-ektaryang relocation site para sa 1,031 maralitang pamilya na pagmamay-ari ng lungsod sa Calauan, Laguna kamakalawa.

Sinabi ni City Engineer Mario Badillo, simula sa susunod na linggo itatakda ng Meralco ang paglalagay ng mga poste ng kuryente, transformer at kable matapos makakuha ang DEPW engineers ng Fire Safety Inspection Certificate at Certificate of Final Electrical Inspection mula sa Bureau of Fire Department ng Calauan. 

Ang pagkaantala sa pagpapailaw sa site ay bunsod ng kapabayaan ng Twin Leaf Group, Inc., ang contractor ng first phase ng proyekto simula noong 2008 hanggang 2010. Kung hindi unang nakakuha ng kaukulang permit sa pamahalaang lokal ng Calauan, patatayuan sana ito ng health center, dalawang 2-storey public school building at covered court.

Nabigo rin ang kontratista na tumalima sa ibang kondisyong inilatag ng pamahalaan ng Calauan sa pagkakaloob nito ng Site Development Permit noong 2008 na nagresulta ng pagkansela ng naturang permit noong 2011.
National

FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'