Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ni dating Boac, Marinduque Mayor Pedrito Nepomuceno na humihiling na magpalabas ang hukuman ng Writ of Kalikasan laban sa konstruksyon ng Boac River Reclamation Project.

Sa En Banc session kahapon ng mga mahistrado, idineklara ng hukuman na insufficient in form and substance ang petisyon.

Sa kanyang petisyon, tinukoy ni Nepomuceno na ang taun-taong pagbaha sa Poblacion at mga barangay sa kabilang ilog sa kanilang lugar ay sanhi ng reclamation project at ng abandonadong Makulapnit Dam at Maguila-guila Dam sa loob ng Marcopper Mining Corporation sa Sta. Cruz sa Marinduque.

Pinangalanang respondents sa petisyon sina DENR Secretary Ramon Paje, DPWH Secretary Rogelio Singson at Marinduque Governor Carmencita Reyes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagsimula umano ang konstruksyon ng reclamation project noon pang 1981, pero hanggang ngayon ay hindi pa natatapos.

Hiniling ni Nepomuceno sa Korte Suprema na atasan ang DPWH Region 5 at ang Office of the District Engineer ng Marinduque na bumalangkas ng plano para sa pagkumpleto ng flood control dike at obligahin ang pagsusumite ng Environmental Impact Analysis at Environmental Compliance Certificate kaugnay ng reclamation project.