ANKARA (AFP)— Sinabi ng Turkey noong Miyerkules na tanging mga Syrian refugee ang pahihintulutan nilang tumawid sa kanilang hangganan para labanan ang mga jihadist para sa karamiha’y Kurdish na bayan ng Kobane sa Syria, isinantabi ang mga panawangan mula sa West na tuluyang buksan na ang tawiran.
Sinabi ni Prime Minister Ahmet Davutoglu sa mamamahayag na “those coming from Syria can go back to join the fight” para sa Kobane, ngunit ang Turkish at iba pang nationals ay hindi pahihintulutang tumawid sa hangganan. “We don’t want any single (Turkish) citizen to be in the middle of the conflict in Syria,” aniya.
Hiniling ni UN envoy Staffan de Mistura noong nakaraang linggo na payagan ng Turkey ang mga volunteer at kanilang mga gamit na makapasok sa Kobane para makatulong sa pagdepensa rito.