Oktubre 16, 1968, nang ipabatid ng mga estudyante mula sa University of the West Indies (UWI) ang kanilang mga hinaing sa desisyon ng kanilang gobyerno.
Ito ay kaugnay sa pagbabawal kay Dr. Walter Rodney ng Guyanese University na muling makabalik sa UWI upang magturo na nagresulta ng sama ng loob mula sa mga estudyante, kung kaya’t sila ay lumabas sa kanilang paaralan at nagtungo sa ilang mga gusali sa Kingston upang ipaalam ang kanilang nararamdaman.
Lumipas ang mga araw, nadagdagan ang mga estudyante na nakisapi sa protesta. Ngunit, ito ay nagbunga ng kaguluhan, na nagresulta sa pagkakasira ng lungsod na aabot sa milyong dolyar.
Naitalang may ilan sa mga saksi ang nadamay at namatay. Dahil dito, si Rodney ay nasibak sa kanyang trabaho.