PSL-Volleyball-2014-550x212

Laro bukas:

(Araneta Coliseum)

2:00 pm Cignal vs RC Cola

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

4:00 pm Generika vs Petron

Nakatuon ang pansin sa magkapatid na Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Air Force at RC Cola Air Force Raiders bilang ‘team-to-beat’ sa paghataw bukas ng 2014 Philippine Super Liga Grand Prix na iprinisinta ng Asics sa Araneta Coliseum.

Hahawakan ngayon nina dating national team player Staff Sergeant Rhovyl Verayo at Major Ramil Ranario ang Raiders na pumangalawa sa nakaraang PSL All-Filipino Conference sa women’s division habang magbabalik sa back-to-back champion na PLDT Air Force si Jasper Jimenez.

“Maganda ang tsansa namin dahil kumpleto pa rin ang team na nag-second place last conference. Maganda rin ang samahan lalo pa na masaya ang dalawang import namin na agad nag-jell sa mga local player,” sinabi ni Verayo, na dating miyembro ng national beach volley team at indoor squad.

Gayunman, inaasahang mag-aagawan ang iba pang kalahok sa titulo, partikular ang Petron Blaze Spikers na tampok ang top draft pick na si Dindin Santiago na makakasama ang mahuhusay at beteranong sina Ms. Oregon USA Alaina Bergsman at Brazilan Erica Adachi.

Ipinaliwanag naman ni PSL president Ramon “Tatz” Suzara na ipatutupad ngayon sa torneo ang paglalagay ng mga microphones sa first and second referee upang agad na malaman ang itatawag na desisyon habang isinasagawa ang mga laban.

Maayos naman ang International Transfer Certificate (ITC) ng bawat reinforcements na nagbibigay karapatan sa mga manlalaro para ipakita ang kanilang mga husay.

“We already have the E-score sheet implemented last year. We will now have the microphone on the first and second referee so they will know the decision. Video challenge to be implemented next year,” pahayag ni Suzara.

Ang 12 reinforcements ay binubuo naman nina Lindsay Stalizer at Sarah Ammerman ng Cignal, Bonita Wise at Emily Bronw ng RC Cola, Alaina Bergma at Erica Adachi ng Petron, Myru Shinohara at Natalia Korobkova ng Generika, Kristy Jaeckel at Kayle Manns ng Mane N Tail at sina Elena Tarasova at Irina Tarasova ng Foton.

Magbibigay naman ang sponsor ngayong taon ng 16 na Gold balls na gawa ng Mikasa sa individual awardees.

Dumalo naman sa pormal na paglulunsad ng PSL Grand Prix sina Kenjie Ong, Marketing Director for Asia ng Asics, Edgar Yabes, Ilocos Sur Office of the Governor, dating PSC Chairman Philip Ella Juico, Paulo Diaz ng bagong saling Foton at si Commisisoner Ian Laurel.

Ang mga koponan sa women’s team ay binubuo ng RC Cola Air Force, Cignal, Generika, Petron, Mane N Tail at Foton Cars Tornadoes.

Magsasagupa sa men’s divison ang Cignal, Bench, PLDT Air Force, Fourbees-Cavite Patriots at Maybank.

“We are so happy to be part of the pioneering volleyball league,” ayon kay Oh.