Pagbati ang nakalaan sa industriya ng turismo ng Pilipinas dahil sa pagtagnnap nito ng papuri mula sa 25th Annual Travel Trade Gazette (TTG) Travel Awards, na tumukoy sa bansa bilang “Destination of the Year” ng taon ng Asia-Pacific, sa ilalim ng Outstanding Achievement Category. Tinanggap ng mga opisyial ng Department of Tourism (DOT), sa pangunguna ni Secretary Ramon R. Jimenez Jr. ang naturang parangal sa isang seremonya sa Bangkok, Thailand, noong Oktubre 2, at inilaan ito sa sambayanang Pilipino.

Ang TTG Travel Awards ay isa sa pinakamaimpluwensiyang parangal sa industriya ng paglalakbay ng Asia-Pacific sapagkat kinikilala nito ang pinakamainam na rehiyon mula 1989. Ang TTG ang pinakamatandang travel trade pahayagan sa buong daigdig na ang mga mambabasa nito ay kinabibilangan ng mga leader at propesyonal sa industriya. Inoorganisa taun-taon ng Travel Trade Publishing group ng TTG Asia Media, pinararangalan nito ang maningning na mga organisasyon at mga indibiduwal sa rehiyon sa apat na kategorya: Travel Supplier, Travel Agency, Outstanding Achievement, at Travel Hall of Fame.

Ang pagkilala ay isang malaking pampasigla sa sektor ng turismo, lalo na kung naghahanda ang DOT sa programa nitong “Visit the Philippines” para sa 2015, kasunod ng tagumpay ng kampanya nitong “It’s More Fun in the Philippines”. Naghahanda rin ang Pilipinas sa pagbisita ni Pope Francis sa Enero, ang culinary event na Madrid Fusion-Manila sa Abril, at ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Ministerial Meetings and Leaders’ Summit sa Nobyembre. Ang “Visit the Philippines 2015” ay isang kalendaryo ng mga event na nagtataguyod ng mga makasaysayan at pangkuluturang kayamanan, kahanga-hangang kalikasan, world heritage sites, mga modernong shopping mall, at mayamang biodiversity.

Umaasa ang DOT sa mga target nito na sampung milyong international at 35.5 milyong domestic tourist arrival pagsapit ng 2016. Umaasa rin ito ng anim na milyong foreign tourist arrival ngayong taon, ang pagpasok sa bagong European markets. Nagrehistro ang bansa ng mahigit 2.8 milyong tourist arrival noong Hulyo 2014, na tumaas ng 2.24% mula sa parehong panahon noong 2013, na may mga panauhing mula sa China, Hong Kong, Japan, South Korea, Macau, at Taiwan na sumasaklaw sa 47% ng mga pagdating o 1.34 milyon sa loob ng pitong buwan.
National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela