UNITED NATIONS (AP) — Hinuhulaan ang global famine warning system ang isang malaking krisis sa pagkain kapag patuloy na kumalat ang Ebola outbreak sa mga susunod na buwan, at hindi pa nararating ng United Nations ang mahigit 750,000 kataong nangangailangan ng pagkain sa West Africa kasabay ng pagtaas ng presyo at pag-abandona sa mga sakahan.

Sa bisperas ng World Food Day noong Huwebes, nag-uunahan ang mga ahensiya ng UN at mga non-governmental organization sa pagpapaigting ng mga pagsisikap na masupil ang malawakang taggutom.

“The world is mobilizing and we need to reach the smallest villages in the most remote locations,” ani Denise Brown, ang regional director for West Africa ng World Food Program ng UN, sa isang pahayag noong Miyerkules. “Indications are that things will get worse before they improve. How much worse depends on us all.”

Sinabi ng WFP na kailangan nitong maabot ang 1.3 milyong kataong nangangailangan sa pinakamatitinding tinamaang bansa tulad ng Liberia, Sierra Leone at Guinea.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Nagkaloob na ang UN agency ng pagkain sa 534,000 katao, at inaasahang marating ang 600,000 hanggang 700,000 ngayong buwan, sinabi ni Bettina Luescher, WFP’s chief spokesperson in North America, sa AP. “And we are working hard to reach and scale up to 1.3 million eventually.”

“We are assessing how families are coping as the virus keeps spreading,” ani Luescher. “We expect to have a better understanding of the impact of the Ebola outbreak on food availability and farming activities by the end of October.”

Sinabi ni Kanayo Nwanze, president ng International Fund for Agricultural Development ng UN, noong Lunes na umaabot sa 40 porsiyento ng mga sakahan ang inabandona sa mga pinakaapektadong lugar sa Sierra Leone at kinakapos na ng pagkain ang Senegal at iba pang mga bansa sa West Africa dahil sa pagkakaputol ng kalakalan sa rehiyon.