TINIYAK ng Department of Health (DoH) – MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ang patuloy na serbisyo sa kanilang nasasakupan upang mabakunahan laban sa tigdas, rubella at polio ang lahat ng bata na limang taong gulang pababa.

Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, bibisitahin nila maging ang malalayong lugar at lalawigan upang mabigyan ang mga ito ng health services hindi lamang mga bata kundi maging sa lahat ng nangangailangan ng tulong medical.

Ayon kay Janairo umabot sa 94% ang kanilang nabigyan ng bakuna matapos ang measles, rubella and oral polio vaccine mass immunization (MR-OPV) campaign for 2014 na idinaos noong Setyembre 1 hanggang Oktubre 10.

Kabilang na rito ang Occidental Mindoro na may (55,897 o 100%); Palawan (97,282 o 99%); Oriental Mindoro (77,473 o 96%); Puerto Princesa City (26,071 o 89%); Calapan City (13,010 o 86%); Marinduque (22,306 o 84%) at Romblon (27,941 o 83%).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang Palawan naman ang may pinakamataas na OPV coverage (114,435 o 99%), Occidental Mindoro (64,133 o 98%); Oriental Mindoro (87,274 o 92%); Puerto Princesa City (30,404 o 89%); Calapan City (14,786 o 83%); Romblon (32,048 o 81%); at Marinduque (25,438 o 81%).

“No children should be left behind. Each one must be reached and immunized and be protected against these diseases that can cause death if not properly treated. Measles, rubella and polio can be prevented only through proper vaccination. Children are our future, let us protect them,” pagtatapos ni Janairo.

Ang naturang kampanya ay orihinal na itinakda noong Setyembre ngunit nagpasya ang DoH-MIMAROPA na palawigin ito hanggang Oktubre 10 upang mas maraming bata pa ang mabakunahan.