Pabor si Justice Secretary Leila de Lima na gawing bukas o lantad sa publiko ang initiation rites ng mga fraternity o sorority.

Sa kanyang talumpati sa National Youth Commission (NYC), sinabi ni de Lima, kinakailangan ibalik ang pagsasagawa ng initiation nang lantad sa publiko para hindi maabuso, hindi dumanas ng pagkapahiya ang neophyte at hindi rin mauwi ang initiation sa hazing.

Kaugnay nito, naniniwala ang kalihim na dapat obligahin ang mga organisasyon na gumamit ng mga open area para sa kanilang recruitment at initiation rites.

Sinabi ni de Lima na mas maliit ang tsansa na mauwi ang initiation sa hazing kung gagawin itong lantad, bukas sa mga third party observer at mga opisyal ng paaralan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Kung tututol umano ang organisasyon sa ganoong sistema at ipipilit pa rin na gawin ang initiation sa mga saradong lugar, maaari itong maging prima facie evidence o ebidensya ng paglabag sa Anti Hazing Law.

Inanunsyo rin ni de Lima na kasama sa development ng pagpapatupad ng Anti Hazing Law ay ang pagbuo ng gobyerno ng inter-agency task force na mangunguna sa lahat ng hakbang ng gobyerno kaugnay ng pag-iral ng batas kontra hazing.

Ang Department of Justice (DoJ) ang mamumuno sa nasabing task force at miyembro ang Department of National Defense (DND), Department of Interior and Local Government (DILG), Commission on Higher Education (CHED), Armed forces of the Philippine (AFP), Philippine National Police (PNP), NYC at Office of the President.